Apekz - Tuldok Lyrics

 Apekz - Tuldok Lyrics 


Intro 


My life ain't so bad  

You drive so fast  

To the silence, baby  

Don't trip, relax

And we'll be alright  

’Til the sunrise


Inakyat ko mataas na bundok

Di tumigil kahit mga paa ko mabugbog

kung kelan nakatungtong sa tuktok

Saka naman nagkaroon ng tuldok x2



Verse


Maraming nagaabang maraming nagtatanong

Kelan battle miss ka na namin mang baon

Bago ko sagutin kung bakit ba ganon

Ibalik muna natin sa dating panahon


Estranghero at Ramon, Yawzi at Pajutes

Datu vs Loonie eto snappy na salute

Hanggang sa maligaw kay eminem pati kay juice

Binge watch ng grind time pagka galing ko ng school


Rekta na kagad sa computer shop

Panahong di pa uso yung google maps 

Sina soundtrip yung freestyle ni supernat

Ako’y nahuli ng rap parang na-booby trap


Hanggang sa mapanuod yung cameltoe versus datu

Brand new ginanap sa quantum

Acapella parang dumbfoundead vs tantrum

Tagalog pa kaya yung dating ay naging times two


Tiningnan ko kung facebook sila

Gusto ko na malaman kung meant to be ba

Di lang na simple na asaran parang beh bote nga

Inisip lang yung legacy may a to z pa


2010 kalaban ko si harlem ty

 B A T T L E R A P

Komedyante na rapper parang michael v.

Nagapi nung unang salang pero ays lang gee


Ako ay og parang obe wan kenobi

Unang tf ko nun kay daddy joe d.

Five hundred pesos yung inabot kay toti

Pasimple lowkey palihim parang shinobi


Unang laban ko disisyete anyos

Nung natalo winning streak na pagkatapos

Pano pa pag yung degree ay nairaos

Rap ang pinili pinagisipan ng maayos


Pagbaba ng barko walang ng doubt

Nilaban ko kagad si bryan lao

Imbis na mag tiktik kalawang mamili ng weak na kalaban

Ang gusto ko peak na agad bakbakan sa south


Nababad ng husto lalong pinahusay

Isang dos por dos tatlong isabuhay

Naihanay ako sa mga tunay

Yung bata na nag solo flight dun sa malugay


Dumaan ang pandemya handa pa rin gumera

Kaso ba’t may hurado na nagpapalitan ng pera

Nag iba yung sistema walang tinatalo

Di na ata to yung liga na kilala ko


Fast forward twenty twenty two

Laban ko kay Sinio ready execute

Yung lugar sobrang grimey pwede mv shoot

Binuhos ko walang natira miski na residue


Dahil sa pustahan yung career ang tinaya ko

Ayoko lang yung sining natin parang ginagago

Galit yung ibang tao  

Pero may resibo, meron video garapalan na hindi na tinatago


“Yari ka pati yung presidente binangga mo”

Alam kong pwedeng kahinatnan ng ginawa ko

Buti kahit papano meron pinagbago

At di totoo na matagal ko na yun pinaplano


“Kung meron kang problema dapat kinausap mo”

Malapit na yung battle nung nadagdag yun sa sulat ko

Ipapaalam ko pa ba yun kay Anygma

Battle emcee din sya ulo pa ng liga


Yung pagkatalo raw kay gorio ay dinadamdam

di nakuha kampeonato na inaasam

liga ay sinasaktan tanginang pustahan yan

dahil sa utang na loob hinahayaan lang 


Yung pusta isang milyon alam kong talo na’ko

Dagdag mo pa gawain nung mga hurado

Tensionado, emosyon, pressure halo-halo

Kaya sa entablado nagmukha akong barumbado


Lumipas ang tatlong taon

Siguro nawala yung mga tampo ngayon

Fliptop anniversary nag ayang pumunta don

Para magpakumbaba at masabi ko yung rason


Walang driver si loons kaya di nakasabay

Sumama ako kay zaki sa grab ay sumakay

Kahit di imbitado pumunta pasaway

Para personal mag sorry at makipagkamay


Bumili ng sariling alak at ng mangunguya

Para di masabi na ang kapal naman ng mukha

Nandun din lahat ng pasimple na nangungutya

Pero balewala gold label yung tinutungga


Hinintay ko siya baka lang natraffic

Pati si loons wala pa ba yan naman awit

Tinawag ng bantay si anygma daw nagalit

At ang sabi sakin pinapaalis ka ni aric


Ang sabi ko ganon ba di nako nagtanong pa

Sana lang hinarap nya ko gusto ko mangamusta

Kahit di na bigyan ng laban ay wala kong pake

Basta matapos yung gabi na maayos kami


Kaso eto na yung ending ni tanga 

Pero ang bait ni kuya dennis talaga

Ba’t kapa pumunta eh ekis ka na nga

Diyos nga nagpapatawad ay atheist ka pala


Tinanggap ko kahit na masakit

At least malinaw na di na ako makakabalik

Namiss ko yung yanig, pagod at stress

Lam kong maraming sabik kay battousaipekz


But i guess this is the end

Di na kailangan icallout sa big event

Hinihiling kasi pag bumanat hindi bitin

Pag FT alam mong hindi titipirin kalaban titirisin


Shoutout sa mga bago hindi pabulong

Mindanao, visayas pati sa luzon

Dire diretso lang wag magningas kugon

“Nauubos na yung magaling” mali ako don


Sa mga tagahanga na nanunuod sa akin

Hinugot nyo ako sa kumunoy na malalim

di ko man matupad na mga bulong sa hangin

Gusto kong malaman nyo kayo bumuo sa akin


Sa buhay natin kailangan ng sakripisyo

Upang marating ang sariling paraiso

Meron dahilan kung bakit natatalisod

May plano ang Diyos kung bakit ka nandirito


Pasensya na kahit hilutin ko kapos

Eto na yung huling minuto ko tapos

Salamat aric ang buti mo na boss

Salamat fliptop mi ultimo adios


Outro


My life ain't so bad  

You drive so fast  

To the silence, baby  

Don't trip, relax

And we'll be alright  

’Til the sunrise

Comments

Popular posts from this blog

Tyler, The Creator - Like Him Lyrics

Depeche Mode Precious Şarkı Sözleri (Türkçe Çeviri)

Portekiz Milli Marşı Sözleri (Türkçe Çeviri)